Parami pa ng parami ang mga Pilipino na lumalapit sa
Department of Foreign Affairs (DFA) para makauwi sa Pilipinas.
Yan ay sa harap na rin ng Kaguluhan sa Sudan.
Ayon sa DFA mula sa 146 ngayon nasa 350 na ang lumapit sa kanilang tanggapan para makauwi na sa Pilipinas.
Tumaas din sa 700 ang mga Na-monitor na Pilipino sa Sudan mula sa 400 noong nakaraang araw.
Una nang sinabi ni Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega may mga Pilipino pa rin na ayaw umuwi sa Pilipinas sa kabila ng sitwasyon sa Sudan.
Sa ngayon nasa 50 Pilipino na ang nailikas ng DFA habang meron pang 20 Pilipino ang una nang lumikas kasama ang kanilang mga amo. | ulat ni Don King Zarate
?: PNA