Bilang ng nairehistrong SIM, mahigit 80M o 47.84% pa lamang -NTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mayroon pa lamang na 80,372,656 subscribers ang nagparehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) cards hanggang nitong April 22 sa buong bansa.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), mababa pa ito sa target na bilang dahil ang subscribers na nakapagrehistro na ng kanilang SIM cards ay kumakatawan lamang sa 47.84% o wala pang kalahati ng kabuuang 168,016,400 SIM cards sa buong bansa.

Sa ulat ng NTC, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamataas na bilang ng mga narehistro ng SIM card o may 38,855,942, sinundan ito ng Globe Telecom Inc. na may 35,826,329 subscribers na nagrehistro at DITO Telecommunity na may 5,690,385 registered SIM cards.

Una nang sinuportahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang panawagan ng iba’t ibang grupo na ma-extend ang SIM card registration para mabigyan ng sapat na oras na makapagrehistro ang mas maraming mamamayan.

Nilinaw naman ng NTC na kung may mga petisyon sa Korte Suprema para sa extension ng SIM card registration ay dapat na opisyal nilang matanggap ang kopya para makagawa ng aksyon.

Sa Miyerkules na, April 26 ang deadline ng SIM card registration. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us