Binata, nasagip mula sa muntikang pagkalunod sa Abulug, Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa maayos nang kalagayan ang isang binata matapos mailigtas mula sa muntikang pagkalunod sa dagat sa bahagi ng Abulug, Cagayan kahapon, Abril 7, 2023.

Nabatid na kasalukuyan ang baywatch patrol ng mga tauhan ng Deployable Response Group ng Coast Guard Sub-Station Aparri (CGSS) Aparri West, kasama ang CGS Cagayan, Abulug Rescue Team, PNP Abulug at Navy reservists, sa baybayin ng Barangay Bagu nang makita ang nalulunod na lalaki.

Kaagad nila itong nirespondehan at ligtas na naiahon mula sa dagat.

Napag-alamang ang biktima ay kinilalang si Benjie Malaga, 19 anyos, na residente ng Tabuk City, Kalinga. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us