Pinagkalooban ng Philippine Navy ng send-off Ceremony ang Naval Task Group 80.5 sakay ng BRP Antonio Luna (FF151), na lalahok sa kauna-unahang ASEAN-India Maritime Exercise (AIME) 2023.
Si Fleet-Marine Ready Force (FMRF) Commander, Marine Brig. Gen. Edwin Amadar PN(M), ang nanguna sa send-off para sa 140-kataong contingent sa Naval Operating Base Subic kahapon.
Ang AIME 2023 ay isasagawa sa Singapore mula Mayo 2 hanggang 8, na magtatampok ng iba’t ibang Harbor at Sea activities.
Layon nito na mapahusay ang interoperability ng mga kalahok na Navy, at magkaroon ang mga ito ng pagkakataon na magpalitan ng “best practices”.
Ang Philippine contingent ay dadalo din sa International Maritime Defense Exhibition Asia (IMDEX) 2023 na isasagawa din sa Singapore. | ulat ni Leo Sarne
?: SN1 Richard Deguilo PN/NPAO