Dumating ang BRP Tarlac (LD-601) sa Kinatarcan Island, Santa Fe, Bantayan Island, Cebu para sa pagsasagawa ng Sea Humanitarian Service Caravan sa lalawigan.
Ang humanitarian caravan ay bahagi ng Civil Military Operation ng Philippine Navy para maghatid ng mga batayang serbisyo ng gobyerno tulad ng medical at dental services; at relief assistance sa mga residente ng isla mula kahapon hanggang sa Abril 29.
Ang BRP Tarlac ang nagdala ng mga kargamento, sundalo at sibilyang bahagi ng humanitarian caravan at magsisilbing “staging platform” sa naturang aktibidad.
2,376 residente ng Kinatarcan Island ang benepisyaryo ng aktibidad, na unang Sea Humanitarian Service Caravan para sa taon.
Ang Humanitarian Service Caravan ay kabilang sa mga aktibidad ng Philippine Navy kaugnay ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo sa Mayo 20, 2023. | ulat ni Leo Sarne
?: Philippine Navy