Patuloy na nakaantabay ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa tropical depression “Amang” at nakahanda sa posibleng epekto nito sa mga paliparan.
Yan ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng pasahero at airport personnel.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ininspeksyon na ang mga paliparan na posibleng dadaanan ng bagyong “Amang” tulad ng Bicol, Bulan, Sorsogon, Daet, Masbate, Naga, at Virac.
Nakikipag-ugnayan na rin ang CAAP sa mga airline company para mabawasan ang epekto ng masamang panahon at sa mabilisang pagbabalik ng mga flight operation.
Pinapayuhan ang mga pasahero na antabayanan ang mga anunsyo ng CAAP at ng mga airline company kaugnay sa kanilang flight. | ulat ni Don King Zarate