Nais paimbestigahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangyaring insidente sa pagpasok ng isang private plane sa jurisdiction airspace ng Balikatan Exercise, sa Zambales nitong Miyerkules.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, hinihintay na lamang ang impormasyon mula sa Balikatan Management Committee para sa violation ng naturang private plane.
Dagdag pa ni Apolonio, na nag-issue sila ng notice to airmen o NOTAM para sa no fly zone sa naturang lugar na pagdarausan ng Balikatan exercise, para masiguro na ligtas at walang magagambalang air traffic sa himpapawid.
Samantala muli namang siniguro ng CAAP, na magkakaroon ng pananagutan ang naturang aircraft sa ginawang pagpasok sa airspace ng Balikatan exercise. | ulat ni AJ Ignacio