Chikiting Ligtas routine immunization program, ilulunsad sa San Juan City bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang ilunsad ng Department of Health (DOH) ang “Chikiting Ligtas” Vaccine Supplemental Campaign sa San Juan City bukas, Abril 27.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, layon ng programang ito na sabay-sabay mabakunahan kontra tigdas at polio ang mga kabataang residente ng lungsod mula sa mga kapapanganak pa lamang na sanggol hanggang sa edad 59 taong gulang.

Katuwang dito ng DOH at San Juan City Local Government ang World Health Organization (WHO), United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Maliban sa mga nabanggit na bakuna, nakatakda ring bigyan ng Vitamin A supplement ang mga mababakunahang kabataan.

Kasabay nito ay nakatakda ring ilunsad ng pamahalaang lungsod sa pakikipagtulungan ng DOH ang pagtuturok ng COVID-19 2nd booster para sa general population.

Mismong ang alkalde ang mangunguna sa aktibidad na personal na magpapabakuna ng second booster na siyang pangangasiwaan naman ng mga kinawatan ng DOH. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us