China, hindi kailangang mangamba sa EDCA sites sa bansa ayon sa Punong Ehekutibo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi dapat magkaroon ng anumang pangamba ang China sa dagdag na mga Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview sa Bataan na kung saan, inihayag ng Punong-Ehekutibo na dati na namang base militar ang mga nadagdag na EDCA sites.

Hindi rin ani papahintulutan ng Pangulo na magamit ang mga kampo sa Pilipinas para sa anumang offensive action.

Sinabi ng Pangulo na ang EDCA sites ay para lamang sa pagtulong ng Estados Unidos sa bansa lalo na sa panahon ng mga kalamidad.

Dagdag ng Presidente, kung wala namang susugod ay hindi lalaban ang Pilipinas.

Ang ginagawa lang aniya ng pamahalaan ay patuloy na pagpapatibay ng depensa ng teritoryo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us