Community Project sa Aurora, nakumpleto bago matapos ang Balikatan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakumpleto ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at US military ang Community Health Care Facility sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora na bahagi ng Engineering Civic Action Project (ENCAP) ng Balikatan 38–23.

Ang proyekto na itinayo sa loob ng 25 araw ng 355th Aviation Engineer Wing Philippine Air Force, at 9th Engineer Support Battalion ng US Marines, ay nai-turn over sa mga residente ng naturang barangay nitong Miyerkules.

Nagpasalamat si Aurora Governor Christian Noveras sa Balikatan Exercises sa pagpili sa kanyang lalawigan bilang isa sa mga nakatanggap ng community development projects ng ehersisyo.

Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Marcos Gillet, US Marine Corps, Commanding Officer ng 9th Engineer Support Batallion, na ang proyekto ay simbolo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos at dekadang pagtutulungan bilang “partners and allies”.

Ang pasilidad sa Baler Aurora; ang health center sa Sarrat, Ilocos Norte, at ang multi-purpose hall project sa Antique ang tatlong development projects na isinagawa sa ilalim ng Engineer Civic Action Program ng Balikatan Exercise 38-2023. | ulat ni Leo Sarne

?: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us