Daan-daang runners mula sa iba’t ibang sektor sa syudad at lungsod ng Iloilo ang nakiisa sa I-BIDA o Iloilo supports BIDA Program Fun Run sa Gaisano ICC Mall, Iloilo City ngayong umaga.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan’ o BIDA Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Layon ng fun run na palakasin ang kamalayan ng publiko lalo na ang mga kabataan sa masamang epekto ng iligal na droga.
Nagsimula ang fun run sa Gaisano ICC Mall papuntang Diversion Road pabalik sa nasabing mall.
Ayon kay DILG-6 Director Juan Jovian Inginiero, bilang isang komunidad kailangan magtulunhan para resolbahin ang problema ng iligal na droga at para maging drug free ang Western Visayas.
Nagpapasalamat naman si DILG Iloilo Provincial Director Carmelo Orbista sa lahat ng nakiisa sa I-BIDA Fun Run. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo