Dagdag pensyon sa war veterans, dapat ayusin — Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na dapat maayos ang additional pension ng mga beterano bilang bahagi ng pagkilala sa naging kontribusyon ng mga ito para sa kalayaan ng bansa.

Sa ambush interview sa Chief Executive sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan, inihayag ng Pangulo na kailangan talagang gumawa ng hakbang para ayusin ang pensyon ng war veterans lalo na’t kakaunti na lang ang nalalabing mga beterano.

Mula aniya sa dating 5,000 ay nasa halos higit 1,000 na lamang ito.

Marapat lang, sabi ng Pangulo na kupkupin ang nalalabing mga beteranong nakipaglaban alang- alang sa kalayaan ng mga Pilipino.

Sa ngayon ay nananatiling nakabinbin Ang panukalang batas para sa adisyonal na pension ng mga war veteran na ayon sa Philippine Veterans Affairs Office ay nasa 25 taon nang hindi umuusad. | ulat ni Alvin Baltazar

?: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us