Dating DFA Secretary, pumanaw na sa edad na 83

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA ang pagpanaw ng dating kalihim ng Kagawaran na si Albert Del Rosario.

Sa kaniyang tweet, nagpaabot ng kaniyang pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa naulilang pamilya ni Del Rosario na isa sa mga iginagalang na dating diplomat ng bansa.

Maituturing aniyang pinuno si Del Rosario na may integridad at inspirasyon gayundin ay may hindi matatawarang dedikasyon sa paglilingkod bayan.

Pumanaw si Del Rosario sa edad na 83, na siyang nagtaguyod sa naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa pananakop ng China sa West Philippine Sea sa Permanent Court of Arbitrataion sa the Hague, Netherlands noong 2013. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us