Davao International Airport, kinumpirma na may na-divert na flight sa Mactan Airport matapos mahirapan lumapag bunsod ng malakas na ulan sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng pamunuan ng Davao International Airport (DIA) na may eroplanong na-divert ng landing nitong Sabado ng gabi (Abril 15,2023)  dahil sa matinding buhos ng ulan.

Sa mensaheng ipinadala sa Radyo Pilipinas Davao, inihayag ni Civil Aviation Area Manager – Area XI Engr. Rex Obcena na base sa tower report, nagdesisyon umano ang isang eroplano na magdivert sa Mactan International Airport matapos ang dalawang missed approaches sa paliparan bunsod ng malakas na ulan.

Ayon kay Obcena, matapos mag-divert sa Mactan Airport, nagpalit umano ng crew ang eroplano at bumalik na sa Davao City kalaunan.

Base sa report ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakaranas ng malakas na pag-ulan ang lungsod kagabi dahil sa easterlies o localized thunderstorms.

Dahil dito, binaha ang ilang parte ng Davao City kung saan lubog sa tubig ang mga pangunahing daan sa lungsod. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us