Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue na pinalawig hanggang Hunyo 14, ngayong taon ang deadline sa pag-avail ng Estate Tax Amnesty.
Ang extension ng panahon para sa tax amnesty ay alinsunod sa Revenue Regulations No. 17-2021 na inisyu ng BIR noong Agosto 3, 2021.
Sakop ng Estate Tax Amnesty ang ari-arian ng mga yumao na namatay noon o bago ang Disyembre 31, 2017.
Ito man ay mayroon o walang assessments na nararapat na ibinigay para sa Estate Tax na nanatiling hindi bayad o naipon noong Disyembre 31, 2017.
Ayon sa BIR, pagkakataon na umano ng mga tagapagmana ng ari-arian para maayos ito sa pamamagitan ng Tax Amnesty.
Anim na porsiyento (6%) lang ang babayaran, walang back taxes at penalties ang sisingilin at hindi mahaharap sa anumang kaso. | ulat ni Rey Ferrer