Hindi na palalawigin ng Bureau of Internal Revenue ang orihinal na deadline nito para sa paghahain ng 2022 Annual Income Tax Return (AITR) at pagbabayad ng buwis sa April 17, 2023.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr., ilang hakbang na ang kanilang ipinatupad para mas mapadali at mapabilis ang serbisyo sa mga taxpayer.
Kabilang rito ang “File and Pay Anywhere” set-up, BIR Tax Assistance Centers at ang pinalawig ring oras para sa pagtanggap sa tax payment sa mga bangko.
Dahil dito, wala nang nakikitang rason ang BIR para hindi maka-comply ang isang taxpayer sa kanyang kaukulang buwis.
“There is no reason for non-compliance because the processes have been made simpler and more convenient. There is also no reason for an extension because any delay in the filing and payment of taxes will result into inadequate funding of government programs. Let us aid our fellow Filipinos by honoring the April 17 deadline”, Commissioner Lumagui
Ipinunto rin ni Comm Lumagui na mahalaga ang buwis dahil ginagamit ito para mapondohan ang priority programs ng pamahalaan.
Ang sinumang hindi makakapagbayad ng buwis bago ang deadline ay mapapatawan ng interes at penalty sa kanyang bayarin. | ulat ni Merry Ann Bastasa