Deadline sa SIM registration, pinauurong sa Agosto ng mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakokonsidera ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario sa DICT na i-urong sa Agosto ang deadline ng SIM Registration.

Ayon sa co-author ng SIM Registration law, sinadya nilang ilagay sa probisyon ng batas ang dagdag na 120 days para makapagparehistro dahil nakita nilang posibleng magkaroon ng mababang turnout ng registrants lalo na para sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Ngayong nalalapit na ang April 26 deadline ng registration at nasa 36.37% lamang ang registry turnout ay dapat na aniyang desisyunan ng DICT ang pagkakaroon ng final at non-extendable deadline.

“Let us be reminded that R.A. 11934 aims to provide safer online space for the Filipino people. Ensuring that a wider expanse of SIM card users is aware of the benefits of this law will fast-track its successful implementation, curb wireless technology-aided criminal activities, and, ultimately, promote public safety.” saad ni Almario.

Hinimok naman ng mambabatas ang Public Telecommunications Entities na palakasin pa ang kanilang information campaign sa kanilang subscribers.

Pinatitiyak din nito sa DICT, DILG National Telecommunications Commission (NTC), at DEPED na makapagtalaga ng SIM registration facilities sa mga remote area na limitado o walang internet access. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us