Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maiwasan sa hinaharap ang mga man-made disasters tulad ng oil spill sa karagatan.
Ginawa ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang pahayag kasunod ng pagbibigay ulat ng kagawaran hinggil sa ginagawa nilang pagsusuri sa lebel ng kontaminasyon sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.
Ayon sa kalihim, aminado silang kulang ang kanilang mga tauhan, teknolohiya at kagamitan upang makapagsagawa ng malalim na pag-aaral sa kung paano mapipigilan ang banta ng anumang trahedya sa kalikasan.
Kaya naman sinabi ni Loyzaga, na kakailanganin nila ang tulong ng National Government partikular na ang iba’t ibang ahensya upang maisakatuparan ito. | ulat ni Jaymark Dagala