Dept of Water, posibleng mapagtibay bago ang ikalawang SONA ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Albay 2nd District Representative Joey Salceda na mapagtitibay ng Kamara ang panukalang pagtatag ng Department of Water Resources bago ang ikalawang State of the Address sa Hulyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ani Salceda, na siyang tagapangulo ng technical working group na nag-aaral sa panukalang Department of Water Resources, oras na maipasa ang panukala, ay magsisilbi itong isa sa mga malalaking legislation na maisasabatas ng Marcos Jr administration.

Una rito ay pinuri ni Salceda ang pagbuo ni Pangulong Marcos Jr. ng Water Resources Management Office sa ilalim ng Department of Enviroment and Natural Resources.

Aniya, mahalaga ang paunang hakbang na ito bilang paghahanda sa naka-ambang na krisis na dala ng El Niño phenomenon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us