Desisyon ng CA sa Newsnet, pinababaligtad ng Office of the Solicitor General

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na dapat payagang makapag-operate at mabigyan ng radio frequency ang News and Entertainment Network Corp. o Newsnet matapos mapaso ang legislative franchise nito noong August, 2021.

Ito ang iginiit ng Office of the Solicitor General bilang pagkontra sa pag-reinstate ng Court of Appeals sa provisional authority ng NewsNet at makapag-operate hanggang noong October 1, 2021.

Matatandaang sa desisyon ng Special Eleventh Division ng CA na may petsang Aug. 16, 2022 at isinulat ni Justice Maria Garcia-Fernandez at inayunan nina Justices Tita Marilyn Payoyo-Villordon at Emily Aliño-Geluz ay binaliktad nito ang mga naunang orders ng National Telecommunications Commission na nag-terminate sa provisional authority ng Newsnet.

Inatasan rin ito ng NTC na itigil na ang kanilang operasyon sa ilalim ng PA.

Giit ng OSG dapat baliktarin ng CA ang nauna nitong desisyon kasunod na rin ng pagbasura ng Office of the President sa petition for review nito dahil kawalan ng merito.

Ang nasabing desisyon ay isinulat umano mismo ni Executive Secretary at dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Una rito, inatasan na rin ng CA Special Eighth Division ang NTC na sundin ang February 2020 order ng Anti-Red Tape Authority na nagbigay ng certificate of public convenience at PA sa Newsnet dahil sa kabiguan umano ng komisyon na umaksyon sa tamang oras. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us