Desisyon ng DOJ hinggil sa isyu ng ARTA at NEWSNET, kintaigan ng Office of the President

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaboran ng Office of the President ang naunang desisyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamo ng pag-abuso sa kapangyarihan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung saan inatasan nito ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng frequency ang News and Entertainment Network Corporation (Newsnet).

Ayon sa desisyon ng DOJ walang katuturan at hindi magkakabisa kailanman ang kautusan ng ARTA sa NTC dahil “null and void” ito mula sa simula dahil wala naman anila ito sa kanilang hurisdiksyon.

Ito ang naging basehan ng OP para barilin ang naging apela ng Newsnet na dapat panindigan ng ARTA ang kautusan nito sa NTC.

kasabay nito ay ibinasura din OP ang apela ng Newsnet na mabaligtad ang isang desisyon ng ARTA na nagbabalewala sa naunang pagbibigay ng ahensiya ng “automatic approval” sa aplikasyon ng kompanya na “mag-install, mag-operate, at mag-maintain” ng isang Local Multi-point Distribusyon System o LMDS.

Sa desisyon na may petsang March 31, 2023 at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin – “moot and academic” na ang apela ng Newsnet dahil nag-expire na rin ang legislative franchise ng korporasyon kung kaya’t diskuwalipikado na ito na makapag-operate ng mga radio transmitters at receivers, kabilang ang LMDS, at mabigyan ng kahit na anong radio frequency.

Binanggit din sa desisyon ng OP na isang pangunahing dahilan sa pagsasantabi nito sa apela ng Newsnet, na pagmamay-ari ng negosyanteng si Mel Velarde, ay ang patuloy na pagpo-forum shopping ng kompanya kung saan naghain din pala ito ng kaparehong kahilingan sa Court of Appeals.  | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us