Desisyon ng ERC sa extension ng NGCP sa Ancillary Services Agreement, inaasahang ilalabas ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng ilabas na ngayong buwan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang desisyon nito kaugnay sa hirit na extension ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kanilang Ancillary Services Agreements kada buwan.

Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta, inaasahan na kasing makapaglalabas na sila ng evaluation memo hinggil sa usapin kaya’t malaki ang tsansang maresolba nila ito ngayong buwan.

Kasalukuyan na aniyang nirerepaso ng ERC ang inihaing motion for reconsideration ng NGCP kaya’t ito ang magiging batayan nila sa pagpapasya.

Dahil dito, kinakailangang pumasok ng NGCP sa mga kasunduan sa mga power generator para sa standby power sa sandaling bumaba ang baseload na siyang mahalaga para sa pagpapanatili ng suplay nito.

Salig sa batas, dapat mapanatili ng NGCP ang minimum level ng Ancillary Services Power sa kanilang reserba na siyang gagamitin sa sandaling bumagsak ang isinusuplay na kuryente ng baseload plants, | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us