DFA, ikinalugod ang naging desisyon ng European Commission sa pag-reconsider ng certification ng ating seafarers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang hakbang ng European Commission sa pag-reconsider ng kasalukuyang hawak na STCW certificate ng ating mga seafarers sa European Union.

Sa isang statement sinabi ng DFA na nagpapasalamat ang kanilang kagawaran sa naging hakbang ng EU para mapagbigyan pa ng EMSA na i-develop pa ng Pilipinas ang maritime education sa atin bansa.

Dagdag pa ng DFA na tutulong ang kanilang departamento upang umalalay sa mga kinakailangan pang mga requirements ng ating bansa upang tuluyan nang ma-comply ang mga hinihingi pang karagdagan pagsasanay ng ating mga marino sa Pilipinas.

Sa huli sinabi ng DFA na makakaasa ang European Union na mako-comply ng ating bansa ang mga karagdagang pagsasanay sa ating maritime education at makapagbibigay ng dekalidad at edukadong mga seafarers sa kanilang shipping companies fleet. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us