Upang mas mapaganda pa ang serbisyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) at para sa digitalization ng kanilang tanggapan, lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang DFA at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ito ay para sa digitalization ng bawat consular offices ng DFA sa bansa, at sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, malaki ang maitutulong nito para sa mas maganda at mabilis na serbisyo ng consular offices ng DFA gaya ng pag-apply ng passport at visa.
Ayon naman kay DICT Secretary Ivan John Uy, patuloy ang kanilang pagsuporta sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang maipatupad ang direktiba ng Pangulo na pagsusulong ng digitalization sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa buong bansa. | ulat ni AJ Ignacio