Nailikas na ng Department of Foreign Affairs ang nasa 227 na overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Sudan, at kasalukuyang nakarating na sa bansang Egypt.
Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo De Vega, ito ay dahil sa tigil putukan kaya nagkaroon ng magandang pagkakataon ang DFA na mailikas na ang mga OFW mula sa Egyptian border.
Kaugnay nito ayon pa kay De Vega, ngayong araw ay nakatakdang ilikas pa ang nasa 100 OFWs sa sudan upang mailikas at madala sa Egyptian border.
Samantala nakatakdang tumungo si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio sa Egypt, upang magbigay ng financial assistance sa OFWs na naapektuhan ng tensyon sa naturang bansa. | ulat ni AJ Ignacio