DFA, tiniyak na may contingency plan para sa mga Pilipino sa Taiwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department Of Foreign Affairs na meron silang contingency plan para sa mga Pilipino na nagtratrabaho at nakatira sa Taiwan.

Ginawa ang pahayag kasunod na rin ng isyu sa pagitan ng China at Taiwan.

Ayon kay DFA Spox. Teresita Daza, patuloy nilang pinangangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng lahat Pilipino na nasa iba’t ibang bansa.

Sinabi din ng DFA na ang pakikipag-ugnayan nila sa lahat ng bansa ay nakabase sa mutual respect at general principles of international law.

Kabilang na dito ang hindi paggamit ng dahas.

Samantala, base sa tala ng DFA, mayroong158,000 na Pilipinong nagtratrabaho at naninirahan sa Taiwan. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us