DHSUD Sec. Acuzar, nag-inspeksyon sa mga housing site na bibisitahin ni Pres. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bago ang pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang pag-iinspeksyon sa ilang major housing sites sa lalawigan ng Bulacan.

Kabilang dito ang San Jose Del Monte City, San Rafael, at Pulilan kung saan isasagawa ang simultaneous groundbreaking sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program.

Kasamang nag-inspeksyon ni Sec. Acuzar ang ilang top officials ng ahensya kasama ang LGU officials sa lalawigan.

Ayon sa DHSUD, anim na bayan sa Bulacan ang naka-iskedyul na magsagawa ng groundbreaking activities sa kanilang mga housing at township projects bilang suporta sa flagship program ng administrasyong Marcos.

Sa ilalim ng ‘Pambansang Pabahay’ tina-target na makapagtayo ng isang milyong pabahay kada taon hanggang 2028 bilang tugon sa housing backlog sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us