Nananatili ang posisyon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na walang extension sa April 26 na deadline ng SIM registration.
Ito ay sa kabila pa ng apela ng Public Telecommunication Entities (PTEs) na palawigin ang SIM registration period dahil marami pa ang hindi nagpaparehistro.
Ayon sa DICT, ngayong isang linggo na lang bago ang deadline ay patuloy nitong hinihikayat ang publiko na magparehistro na at itaguyod ang responsableng paggamit ng SIM.
“The DICT reiterates that the SIM Registration Act places primacy on the fundamental rights of Filipinos and is replete with safeguards to ensure the confidentiality and security of user data.”
Nagpaalala rin ito na ang kabiguang magrehistro ay magreresulta sa deactivation ng SIMs at eSIMs.
Una nang iniulat ng NTC na nasa 73 milyon ang bilang ng mga subscriber identity module (SIM) card na nairehistro na hanggang nitong April 17, 2023 o katumbas ng 43.47% ng 168 milyong telco subscribers sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa