Nasa 94% na ng proseso ng Bureau of Customs (BOC) ang digitalize na sa kasalukuyan.
Ito ayon kay Customs Spokesperson Atty. Vincent Philip Maronilla ay bahagi pa rin ng mga hakbang ng tanggapan na labanan ang smuggling sa bansa, at pataasin ang revenue collection nito para sa iba’t ibang programa ng pamahalaan.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na katuwang nila ang World Bank sa proyektong ito kung saan nasa Php18 million na ang naipautang sa BOC.
Para aniya ito sa patuloy na modernisasyon ng buong proseso ng customs, kabilang na ang X-ray machines, at administrative back up system ng tanggapan.
Sinabi ng opisyal na sa taong 2026, sa oras na maging fully digitalize at fully modernize na ang sistema ng BOC, magagawa nang makipagsabayan ng Customs ng Pilipinas sa customs ng iba pang bansa. | ulat ni Racquel Bayan