DMW, nagbalangkas na ng template para sa pag-claim ng back wages ng OFWs na nawalan ng trabaho sa Saudi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mismong Department of Migrant Workers na ang bumalangkas ng isang template para sa mabilis na pag-claim ng OFW na nagtrabaho sa Saudi Arabia na hindi napasuweldo ng kanilang employer mula 2015 hanggang 2016.

Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na ang template na binuo ay magsisilbing simplified guide para sa pagkubra ng may sampung libong OFW na karapat-dapat na makatanggap ng claim.

Nakapaloob sa simplified guide na kailangang ma-fill-up ng isang claimant ang kanilang pangalan, naging trabaho sa Saudi Arabia, taon kung kailan nagsimula at nagtapos ang pagiging OFW sa nasabing bansa at pangalan ng kumpanyang pinasukan.

Kasama din sa template ang Iqama number, passport number, suweldo na natatanggap sa Saudi company na pinagtrabahuhan at halaga ng claim na dapat na matanggap.

Huwag ding kalimutan ani Ople ang telepono kung saan maaaring makontak ang claimant at maaaring i-email ang request for claim sa email ad [email protected].

Wala aniyang ibang paraan ani Ople para maipaabot ang request para sa pagkubra ng backpay kundi sa pamamagitan lamang ng email kaya’t para sa aniyay’ hindi techy ay pinayuhan ng ahensiya na magpaturo sa kanilang kaanak o kaibigan na may kaalaman sa pag-e-email | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us