DND OIC Galvez, nagbigay-pugay sa mga beterano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay-pugay si Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa mga beterano sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week mula April 5 hanggang April 12 at paggunita ng Araw ng Kagitingan sa April 9.

Kasabay nito nanawagan ang kalihim sa lahat ng mamamayan, partikular ang kabataan na bigyang pagkilala ang sakripisyo ng mga makabayan, mga “freedom fighter,” at mga kasalukuyang tagapagtanggol ng bansa.

Ito’y habang inihahanda ang susunod na henerasyon sa pagtataguyod ng bansa at pagtiyak ng magandang kinabukasan ng Pilipinas.

Panawagan ni Galvez sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak “ang tapat na pagmamahal sa bayan at ang mga katangi-tanging aral ng ating kasaysayan.”

Pinaalalahan din ng kalihim ang mga miyembro ng “One Defense Team” na aktibong makilahok sa mga aktibidad na may kinalaman sa pagdiriwang ng Veteran’s Week sa taong ito, na may temang “Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us