DOH, naglunsad ng ‘Pista ng Kalusugan Healthy Barangay, Healthy Pilipinas’ ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilunsad ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang ‘Pista ng Kalusugan Healthy Barangay Healthy Kalusugan’.

Layon ng naturang event na magkaroon ng maayos na kalusugan ang bawat barangay o kumunidad sa buong bansa at ilunsad ang 2023 Healthy Pilipinas Campaign.

Inumpisahan ngayong araw ang naturang programa sa Quezon City Memorial Circle king saan iba’t ibang mga booths ng DOH na may kinalaman sa kalusugan at sa pagbibigyan ng impormasyon sa 7 Healthy healthy habits ang itinayo.

Nagkaroon din ng iba’t ibang information talks sa iba’t ibang health issues tulad ng stress management, paninigarilyo o vaping, mental health, sexual at reproductive health.

Kabilang din sa naturang event ang pabibigay ng libreng health check-up vaccination sa COVID-19 at iba pang health tips upang magkaroon ng mas maayos at malusog ang pangangatawan ang bawat pamilyang Pilipino.

Katuwang ng Department of Health ang UNICEF at USAID sa naturang programa.

Sa mga nais tumungo ngayong hapon tatagal ang naturang event ngayong araw hangang bukas mula alas-8:00 ng umaga hangang alas-5:00 ng hapon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us