DOT, dininig ang mga hiling ng tourism sector ng Boracay sa isinagawang ‘PH Tourism Listening Tour’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas mapaganda pa ang serbisyo sa mga turista na tutungo sa isla ng Boracay, nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa mga tourism stakeholders sa Boracay island para malaman ang iba pangangailangan ng isa sa ipinagmamalaking tourism destination sa bansa.

Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang naturang pagpupulong para malaman ng personal ang mga iba pang pangangailangan pa ng Boracay island.

Isa sa naging ulat ng mga tourism stakeholders ang karagdagang mga tourist rest area (TRA) para ma-accommodate pa ang dagsa ng foreign at local tourist.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na agad nilang tutugunan ang kakulangan ng mga ito upang magkaroon ng karagdagang accommodations at comfort rooms para sa ating mga turista.

Sa huli nakatakda namang magbigay ng training at seminars para sa mga tourism workers sa language proficiency nito upang maalis na ang language barriers sa mga banyaga na tutungo sa isla ng Boracay. | ulat ni AJ Ignacio

? Department of Tourism – Philippines

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us