DOT, hinikayat ang publiko na bisitahin ang mga tourist site sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananawagan ang Department of Tourism (DOT) sa publikno na suportahan ang turismo sa bansa.

Ngayong summer season nakasanayan na ng mga Pilipino ang mag-travel, kabilang na dito sa mga beach at tinaguriang summer capital of the Philippines na Baguio City dahil sa malamig na temperatura.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, sa kada pagbiyahe, pag-book ng flight, pagbiyahe sa barko, at pag-book ng hotel ay nasusuportahan nito ang mga pamilya na umaasa sa turismo bilang kanilang kabuhayan.

Sinabi din ng kalihim na ang pagtangkilik sa lokal na turismo ay may magandang epekto sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us