Nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa iba’t ibang travel and trade stakeholders ng Los Angeles sa California upang mas makapanghikayat pa ng mga foreign tourist na tumungo sa ating bansa.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Cristina Frasco ang naturang pagpupulong kasama ang mga airline and aviations companies at top travel and tour operators sa LA.
Aniya, malaki ang naiambag ng Estados Unidos sa muling pagbangon ng tourism industry sa ating bansa dahil isa ang kanilang bansa sa unang tumungo sa Pilipinas mulo noong binuksang muli ang pagtanggap ng foreign tourist, Pebrero noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Frasco na makakaasa ang naturang mga stakeholder na magiging maayos ang accomodations ng kanilang mga mamamayan sa ating bansa dahil sa patuloy na pagpapabuti ng Philippine tourism sector kabilang na ang pagpapabuti ng mga tourist infrastructure sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio