Upang mas makilala ang ating bansa pagdating sa ipinagmamalaking tourism sites sa Pilipinas, nakipagpulong ang Department of Tourism (DOT) sa media executives at mga filmmakers sa Estados Unidos para sa isang media collaboration na naglalayong i-promote ang Pilipinas sa international market.
Pinangunahan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang naturang pagpupulong kasama ang ilang media executives sa US na si Vice President for Marketing of HBO Max Ms. Pearl Davenport, Director of Marketing Production Disney Branded Productions Ms. Rosanna Canonigo, Head of TV Sales and Distribution for Relativity Media Ms. Lucia Gervino at Head of Productions of A+E Studios Ms. Mallorie Ortega para sa isang kolaborasyon na naglalayong i-promote ang mga ipinagmamalaking tourism sites sa bansa.
Aniya, nais niyang ibalik ang Pilipinas sa isa sa mga pinagshu-shootingan ng international films sa US para mas makilala ang bansa bilang tourism film country sa buong mundo.
Matatandaang isa sa mga kilalang pelikulang kinuhanan sa Pilipinas ay ang ‘Bourne Legacy’ na pinangunahan ni ng kilalang actor na si Jeremy Renner sa Big Lagoon sa Palawan at ilang langsangan sa lungsod ng Maynila. | ulat ni AJ Ignacio