Kinumpirma ng Deparment of Transportation (DOTR) na natanggap na ng kanilang kagawaran ang sulat mula sa European Commission ang pag-reconsider ng EC sa kasalukuyang Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) na hawak ng ating mga marino na naka-on board sa European vessels.
Sa Saturday News Forum Sinabi ni DoTr Spokesperson Joni Gesmundo na Biyernes ng gabi ng matangap ng Martime Industry Authority o Marina ang sulat mula sa EC.
Dagdag pa ni Gesmundo na isinasapinal na ng DMW at ng Maritime Industry Authority (Marina) ang technical cooperation mula sa European Commission para sa patuloy na trainings mula sa EC upang mas mapaigting pa ang kaalaman ng Pinoy seafarers sa ating bansa.
Sa huli, nagpasalamat ang DOTR sa ginawang pagrereconsider ng European Commission sa naging tugon nitong mas mapalawig pa ang certificate na STCW ng Pinoy seafarers sa kanilang mga barko. | ulat ni AJ Ignacio