Nakarating na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isyu ngayon ng kakulangan ng Plastic Identification Cards para sa lisensya ng mga nagmamaneho at gayundin ng plaka ng motosiklo at mga sasakyan.
Ayon kay DOTR Sec. Jaime Bautista, nag-aalala si Pangulong Marcos Jr. sa isyung ito at agad itong pinareresolba sa transportation department.
Ginagawan naman na aniya nila ng mga paraan para agad na maayos ang gusot kabilang ang pagpapabilis sa pag-usad ng procurement process na naiurong sa May 24.
Kasunod nito, kinuwestyon naman ni Sec. Bautista kung bakit hindi agad nakapag-procure ng mga materyales ang LTO dahil dapat Agosto pa lang noong nakaraang taon ay naasikaso na ito.
Dagdag pa niya, dapat nagkaroon na ng early procurement noon palang ang LTO para naiwasan sana ang kakulangan ngayon ng license cards. | ulat ni Merry Ann Bastasa