Magiging abala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa official working visit sa Estados Unidos sa susunod na linggo.
Sisimulan ng Pangulo ang pagbisita sa US sa pakikipagpulong kay US President Joe Biden sa May 1, kung saan kabilang sa mga matatalakay ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa. Kooperasyon sa depensa, seguridad, humanitarian assistance, climate change, at agrikiltura.
Makikipagpalitan rin ng pananaw at posisyon ang pangulo kaugnay sa iba’t ibang regional at international issues.
“The visit will reaffirm the bonds of friendship that give the foundation and significance with the many facets of the bilateral relationship underpinned by the close affinity shared by the Filipinos and Americans alike for many years. It will substantially progress efforts to further deepen relations and political ties to bring about lasting socioeconomic partnership as well as enhance defense and security cooperation.” — Spox Daza
Haharap rin ang pangulo sa mga mambabatas ng US, at magsasalita ito sa harap ng think tank Washington, DC.
Ang delagasyon ng pangulo ay bubuuin ng mga Filipino business leader, economic team, at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Gagamitin ng pangulo ang pagkakataon upang hikayatin ang foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas, kasabay ng pagbibigay diin na magandang trade partner ang bansa.
“I think for this trip, there will be a heavy emphasis in terms of the economic agenda; how the President will actually work to advance his priorities in terms of agriculture and food security, in terms of infrastructure development, in terms of renewable energy and clean energy,” —Spox Daza.
Haharap rin ang pangulo sa Filipino Community sa US, kung saan titiyakin nito ang commitment ng administrasyon sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan