Malaki ang ibinaba ng presyo ng galunggong.
Sa ngayong nasa ₱100 ang kada tumpok at ito ay 14 pieces na ng medium size na galunggong.
May mabibili rin na ₱150 ang kada kilo sa Guadalupe Market, Makati habang ₱80 per kilo sa Quezon City Mega Q-Mart.
Ayon sa mga nagtitinda marami ang huling isda kaya’t bagsak ang presyo nito.
Hindi naman pinalagpas ng mga namimili ang ganitong pagkakataon kung saan marami agad ang bumili ng galunggong. | ulat ni Don King Zarate