General court martial kay BGen. Durante, iba pang sangkot sa pagkamatay ni Yvonnette Chua, magsisimula ngayong linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaprubahan ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang mga administratibong reklamo na inihain laban kay Brigadier General Jesus Durante III, Colonel Michael Licyayo, at limang enlisted personnel kaugnay ng Yvonette Chua-Plaza murder case.

Sa isang statement, sinabi ni Philippine Army Spokesperson Colonel Xerxes Trinidad na ang mga administratibong reklamo laban sa mga nabanggit na opisyal at enlisted personnel ay ni-refer na sa General Court Martial.

Ang mga naturang opisyal at enlisted personnel ay kinasuhan ng paglabag sa Article of War 96, o Conduct Unbecoming of an Officer and a Gentleman, at Article of War 97, o Conduct Prejudicial to Good Order and Military Discipline.

Ang General Court Martial ay pangungunahan ni Major General Jose Eriel Niembra, na kasalukuyang commander ng 10th Infantry Division.

Kaugnay nito, si Brig. Gen. Durante at Col. Licyayo ay inilipat kahapon sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom) headquarters, sa Camp Panacan, Davao City, kung saan sila isasailalim sa kustodiya habang umuusad ang kaso. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us