Upang mas mapalawig pa ang payment options ng mga miyembro at borrowers ng Government Service Insurance System (GSIS), nakipag-tie up ito sa Universal Storefront Services Corporation (USSC).
Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, layon ng naturang tie up na mas maging convenient sa members at borrowers ang pagbabayad ng loans para hindi na magtungo sa mga opisina ng ahensya, at pumila ng mahaba.
Dagdag pa ni Veloso, na bukod sa USSC ay nakikipag-unayan na rin ito sa Palawan Express at SM Corporation para sa karagdagang payment platforms ng GSIS.
Matatandaang umabot na sa mahigit 33,224 transactions o nasa mahigit Php340 million halaga na ang naitalang transactions mula sa Bayad Centers at MLhullier, kaya malaking tulong ayon kay Veloso ang karagdagang payment center. | ulat ni AJ Ignacio