Guidelines sa pagbebenta sa Kadiwa ng mga nasabat na asukal, pinaplantsa na ng SRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaplantsa na ng Sugar Regulatory Administration ang guidelines para agad na maibenta sa Kadiwa stores ang mga nasabat na asukal.

Matatandaang target ng SRA na maibenta ngayong buwan ang mga nasabat na asukal, gayunman, aminado si SRA Board member Paul Azcona na hamon ang logistics dito gaya na lang ng repacking.

Nasa kabuuang 4,000 tonelada ng asukal ang kailangang i-repack na katumbas ng 4 na milyong kilo ng asukal.

Ayon kay Azcona, humiling na sila ng tulong sa iba pang attached agency ng DA para masolusyunan ito at ikokonsidera rin ang ilang manufacturing company para madaliin ang repacking.

Bukod sa logistics ay tinatalakay rin ng DA at SRA kung saan mapupunta ang pondong kikitain mula sa ibebentang mga asukal.

Una nang sinabi ng SRA na ibebenta sa P70 kada kilo ang mga nasabat na asukal sa kadiwa stores. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us