Kaisa ng pamahalaan ang OFW Party-list sa pagsusulong ng agarang repatriation ng nasa 700 OFW na nasa Sudan.
Ayon kay OFW Party-list Representative Marisa Del Mar Magsino, mahalaga ang kagyat na pagkilos para matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa naturang bansa.
Maliban aniya sa repatriation efforts ng ating pamahalaan ay dapat na humanap ng iba pang paraan upang mapabilis ang pagpapauwi sa mga OFW sa Sudan.
Apela pa nito na maghanda ng pagkain at iba pang basic needs para sa mga OFW na naipit sa gulo.
“…We urge the government to explore more avenues of safely and immediately extricating them from the area. We cannot stress enough the urgency of the situation as the fatal clashes in Khartoum continue to endanger the lives of our kababayans. The fierce fighting on the ground also necessitates an action plan for the provision of food and other basic needs of Filipinos in Sudan; they have no other recourse but to look to our own government for help, and we cannot fail them,” saad ni Magsino.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang tanggapan sa DFA at Department of Migrant Workers (DMW) para sa koordinasyon at pagtulong sa mga OFW na apektado ng kaguluhan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes