Umabot na sa halos P5-milyon ang kinita sa dalawang araw nag paglulunsad nito ng Kadiwa ng Pangulo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa isang Forum sinabi ni Department of Agriculture (DA) Marketing Development Division Chief Junibert De Sagun na ito’y dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga farmer cooperative at sa maayos na pamamalakad ng organizers upang makapagbenta ng mas marami.
Dagdag pa ni De Sagun, dahil sa naturang kinita ng mga Kadiwa ng Pangulo stores ay nais ng DA na dagdagan pa ang Kadiwa stores upang mas lumawak pa ang maserbisyuhan at mas marami pa ang makinabang sa naturang programa.
Samantala, nasa 400 Kadiwa stores na ang naipakalat sa buong bansa at nasa 60 Kadiwa sites naman sa Metro Manila. | ulat ni AJ Ignacio