Pinanindigan ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagtutol nito sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa.
Ayon kay Salceda, hindi bababa sa ₱8 bilyon na halaga ng buwis ang posibleng mawala sa Pilipinas oras na tuluyang ipagbawal ang POGO.
Maliban pa niya ito sa ₱192 billion gross value added loss sa real estate, labor, ancillary cost at iba pang kaugnay na serbisyo at industriya sa pagpapatakbo ng POGO.
Punto pa ng Albay solon, walang legal na basehan ang diskriminasyon o tilan panggigipit sa POGO industry dahil lamang sa violation ng ibang negosyo.
“More importantly, there isn’t any legal logic by which we can discriminate against POGOs as a class of businesses. Making arbitrary or special exceptions against a business hurts our credibility. A phaseout of an entire industry on the basis of the violations of some of them does not make sense if you apply it to any other business either. So, I disagree with both a ban and a phaseout.” diin ni Salceda.
Batay sa rekomendasyon ni Senate Ways and Means Committee Chair Sherwin Gatchalian, nais nito ang agarang pagpapatigil sa operasyon ng POGO sa Pilipinas.
Habang si Sen. Ronald Dela Rosa na Chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay nais gawing ‘by phase’ o unti-unti ang pagpapatigil sa mga POGO. | ulat ni Kathleen Jean Forbes