Hindi pagtatayo ng First Border Inspection Facilities ng DA, pinuna ng SINAG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinukwestyon ngayon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang tila kawalan ng interes ng Department of Agriculture na magtayo ng mga pasilidad para sa pag-iinspeksyon sa ipinapasok na mga karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever.

Ayon sa grupo, ngayong isa nang global phenomenon ang banta ng ASF halos lahat ng bansa sa mundo ay nakaalerto.

Sinabi ni Jayson Cainglet, Executive Director ng SINAG, ang Pilipinas na lamang ang walang first border inspection facilities.

Aniya, sa kabila na may inilaang pondo dito simula noong 2019, wala ni isang first border inspection facilities ang naipapatayo ng DA.

Aniya, kahit anong gawing paghihigpit sa pagbibiyahe ng mga buhay na baboy at sa ipinaiiral na bio-security measures sa local farms sa bansa, balewala umano ito kung bukas na bukas ang mga pantalalan sa imported pork na walang ASF testing na ginagawa.

Duda ang grupo,na kinikilingan ng DA ang pork importation sa halip na palakasin ang proteksyon para sa mga lokal na magba-baboy. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us