House Speaker, isinusulong ang pagpalalawig sa PH-US Economic Security ties

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang mas pinalalim na ugnayan sa larangan ng economic security sa pagitan ng Pilipinas at US sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Ito ang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez kasabay ng kaniyang pulong kay US Representative Young Kim, Chair ng US House Foreign Affairs Subcommittee on the Indo-Pacific.

Sumentro ang pag-uusap ng dalawa sa defense at security engagement na isa sa mga sandigan ng bilateral relations ng dalawang bansa.

“We asked for the continued US congressional support for defense and economic security. On top of our strong military security with the United States, Rep. Kim has vowed to work with us to further strengthen and expand the country’s economic security with them. This partnership will boost productivity, drive economic growth, and generate new jobs,” pagbabahagi ni Romualdez.

Naniniwala ang mambabatas na mahalaga ang pagkakaroon ng strategic economic partnership sa US dahil mapapalakas nito ang pangmatagalang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na sa pagbangon mula sa epekto ng pandemya.

Inaasahan naman na sa Nobyembre ay bibisita sa Pilipinas ang delegasyon ni Rep. Kim. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us