Sang-ayon si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa pagkakaroon ng designated areas kung saan maaaring mag-operate ang mga POGO.
Kasunod ito ng pasilip ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chair Ronald Dela Rosa sa ilan sa rekomendasyon ng kaniyang komite hinggil sa operasyon ng mga POGO.
Isa kasi sa mungkahi ng senador ay ang ilagay sa iisang lugar ang lahat ng mga POGO para mas mabantayan silang maigi at maiwasan ang mga POGO-related crime.
Ayon kay Salceda, mayroon na siyang ganitong proposal kung saan magtatalaga ng special zones para sa mga POGO.
Bilang offshore ang market o kliyente ng mga POGO ay hindi na dapat pang isama ito sa mga kompanya na may domestic market.
Mas madali rin aniya mababantayan kung magkakaroon sila ng paglabag.
“I have already proposed designated special zones for POGOs last year…That makes it easier to monitor them for violations, if any. It also makes it easier to prevent Philippine residents from betting through them. The Singaporean model of a designated area for refineries — an industry which makes the city-state a top exporter of refined oil — is one example to look at,” saad ni Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes