Plano na ring magtayo ng housing project ang Philippine Navy para sa mga active military officers at enlisted personnel nito sa ilalim ng
Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.
Nakipagpulong na sa Department of Human Settlements and Urban Development ang mga opisyal ng Philippine Navy mula sa Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) para sa mungkahing proyekto.
Iprenesenta ni NAVSOCOM SEAL Group Commander, LCDR Lemual Rosete kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang planong housing project na tinawag na ‘Navy SEAL Village’.
Itatayo aniya ito sa 10.6 ektaryang lupain katabi ng Naval Education, Training and Doctrine Command sa San Antonio, Zambales
Target na makapagpatayo dito ng1,000 housing units na pawang mga single detached at town houses.
Iminungkahi naman ni Secretary Acuzar na magpatala din ang PN sa ilalim ng ‘Pambansang Pabahay’ para maging mas abot-kaya para sa mga tauhan ng NAVSOCOM.
Ang NAVSOCOM ay ang nangungunang Maritime Special Operations Force ng PN at Armed Forces of the Philippines. | ulat ni Rey Ferrer